Home NATIONWIDE CBCP, sumuporta sa anti-political dynasty law

CBCP, sumuporta sa anti-political dynasty law

3
0

MANILA, Philippines – Ipinahayag ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) nitong Biyernes ang suporta sa “Dapat Isa Lang” People’s Initiative na naglalayong maipasa ang batas laban sa political dynasty.

Ayon sa CBCP, ang inisyatiba ay isang mapayapa at demokratikong hakbang upang maisakatuparan ang mandato ng 1987 Constitution na ipagbawal ang political dynasties na dapat tukuyin ng batas.

Sinabi ng mga obispo na hindi dapat maging “family inheritance” ang kapangyarihang pampolitika at dapat manatiling public trust ang mga posisyon sa gobyerno.

“After almost forty years, the constitutional command against political dynasties should no longer remain merely an aspiration. The time has come to give it genuine meaning in law and in political life,” pahayag ng CBCP.

Iginiit ng grupo na hindi nakatuon ang kanilang posisyon sa anumang partikular na political family, partido, kandidato o opisyal. Sa halip, ang kanilang concern ay ang sistemang maaaring magpokus at maglipat-lipat ng kapangyarihan sa iisang pamilya.

Hinimok din ng CBCP ang mga diyosesis, parokya, paaralan at unibersidad, religious communities at lay organizations na tumulong sa pagpapaliwanag sa publiko tungkol sa inisyatiba at hikayatin ang responsableng pakikilahok.

Layunin ng “Dapat Isa Lang” na makalikom ng hindi bababa sa pitong milyong pirma, o 10% ng registered voters, para maisulong ang anti-political dynasty law.

Nauna rito, naglabas ang Supreme Court ng desisyon na nag-uutos sa Kongreso na ipasa sa lalong madaling panahon ang angkop na batas laban sa political dynasty. Gayunman, sinabi ng korte na hindi nito didiktahan kung paano bubuuin ang batas o kung gaano kalawak ang ipatutupad na pagbabawal. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here