PARAÑAQUE CITY, Philippines – Namahagi ng tulong si Senator Bong Go sa 132 pamilyang naapektuhan ng sunog sa Barangay Vitalez, Parañaque City.
Matapos ang kanyang pagbisita sa Caloocan City, dumiretso si Go sa Parañaque kasama ang kanyang Malasakit Team at Barangay Captain Alex Alvarez upang personal na maipaabot ang ayuda sa mga nasunugan.

Kabilang sa ipinamahagi ang financial assistance, food packs, snacks, water containers, shirts, vitamins at mga bola para sa pickleball, basketball at volleyball.


May ilan ding benepisyaryo na nakatanggap ng sapatos, mobile phone at bisikleta.
Binigyang-diin ni Go ang kahalagahan ng tuloy-tuloy na serbisyo at agarang pagtugon sa pangangailangan ng mga pamilyang naapektuhan ng sakuna upang matulungan silang makabangon. CESAR MORALES








