Home HOME BANNER STORY Queenie patuloy na lumalakas

Queenie patuloy na lumalakas

1
0

MANILA, Philippines – Papalapit na sa typhoon category ang Severe Tropical Storm “Queenie,” ayon sa PAGASA nitong Sabado.

Sa 11 a.m. advisory ng PAGASA, walang Tropical Cyclone Wind Signal na nakataas sa anumang bahagi ng bansa.

Huling namataan ang sentro ni Queenie 575 kilometro silangan-hilagang-silangan ng Itbayat, Batanes. Taglay nito ang lakas ng hanging 110 km/h malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 135 km/h.

Kumikilos ito pa-kanluran-hilagang-kanluran sa bilis na 10 km/h at inaasahang magiging typhoon ngayong Sabado habang patuloy na lumalakas sa karagatan sa timog ng Okinawa Islands.

Inaasahang liliko ito pa-hilaga sa susunod na 12 oras at magiging hilagang-silangan pagsapit ng Linggo ng umaga.

Posibleng lumabas si Queenie sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa pagitan ng Linggo ng hapon at gabi bago tumuloy pa-hilagang-silangan patungo sa dagat sa timog ng mainland Japan. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here