Home NATIONWIDE Padre Pio shrine sa Batangas, itinaas bilang international shrine

Padre Pio shrine sa Batangas, itinaas bilang international shrine

3
0

BATANGAS, Philippines – Itinaas bilang international shrine ng Holy See ang National Shrine of Saint Padre Pio noong Setyembre 23, kasabay ng kapistahan ng santo.

Opisyal na itong tatawaging Padre Pio International Shrine of the Philippines.

Inilabas ng Vatican Dicastery for Evangelization ang decree noong Mayo 25, 2026, kasabay ng ika-139 anibersaryo ng kapanganakan ni Saint Padre Pio.

Ito na ang ikalawang international shrine sa Pilipinas, kasunod ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage sa Antipolo City, Rizal, at unang international shrine sa bansa na nakalaan kay Saint Padre Pio.

Nagsimula ang shrine bilang maliit na chapel noong 2003, naging archdiocesan shrine noong 2008 at national shrine noong 2015.

Matatagpuan ito sa 12-hektaryang lugar sa Barangay San Pedro at dinarayo ng libo-libong pilgrim bawat taon. Nasa shrine rin ang first-class relics ng santo.

Si Saint Padre Pio, isang Capuchin friar mula Pietrelcina, Italy, ay kilala sa kanyang buhay-pananalangin, stigmata at mga naiulat na pagpapagaling. Na-canonize siya ni Saint John Paul II noong 2002.

Ayon kay Archbishop Gilbert Garcera ng Lipa, ang pagkilala ay isang makasaysayang milestone para sa Archdiocese of Lipa at sa Simbahang Katolika sa Pilipinas. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here