VISAYAS, Philippines – Ilalagay sa yellow alert ang Visayas grid mula 5:00 p.m. hanggang 7:00 p.m. sa Sabado dahil sa forced outages ng ilang power plants, ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
May available capacity na 2,540 megawatts (MW) ang grid laban sa peak demand na 2,312 MW.
Kabilang sa mga hindi available ang malalaking coal plant na TVI 1, PEDC 3 at KSPC 2.
Ayon sa NGCP, 15 power plants ang naka-forced outage ngayong Setyembre habang 18 planta ang tumatakbo sa derated capacity, na nagresulta sa kabuuang 951.7 MW na hindi available sa grid.
Ang yellow alert ay idinedeklara kapag hindi sapat ang operating margin para matugunan ang contingency requirement ng transmission grid. RNT/MDS