ROSELLER T. LIM, Zamboanga Sibugay, Philippines – Isang Grade 11 student ang nasawi habang apat pa ang nawawala matapos silang tangayin ng malakas na agos ng ilog habang naliligo sa Purok Santan noong Huwebes, Setyembre 24.
Ayon sa pulisya, kabilang sa 11 estudyante ng Surabay National High School na naliligo sa ilog ang mga biktima nang biglang bumuhos ang malakas na ulan at mabilis na tumaas ang tubig.
Narekober ang katawan ng isang biktima na kinilalang si Dave, habang patuloy ang search and rescue operation para sa apat na nawawala. Anim pang estudyante ang nakaligtas.
Pinangunahan ni police chief Lt. Editho Talison at mga lokal na responder ang paghahanap sa mga nawawalang estudyante. RNT/MDS