Home HOME BANNER STORY DOH code white sa bagyong Queenie

DOH code white sa bagyong Queenie

1
0

MANILA, Philippines – Itinaas ng Department of Health (DOH) ang Code White Alert bilang paghahanda sa posibleng epekto ng Severe Tropical Storm Queenie (international name: Surigae).

“Sa ilalim ng Code White Alert status, nakaalerto 24/7 ang DOH Operations Center para sa mabilis na pagtugon sa mga apektadong komunidad,” pahayag ng DOH.

Naka-standby ang health emergency teams, health commodities at emergency rooms ng DOH hospitals para sa agarang pagtugon sa mga aksidente, pinsala at iba pang health emergency.

Patuloy din ang koordinasyon ng DOH sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mga lokal na pamahalaan at regional disaster units.

Ayon sa PAGASA, inaasahang lalakas pa si Queenie at maaaring maging typhoon ngayong araw, ngunit hindi ito inaasahang magla-landfall o direktang tatama sa bansa. Gayunman, maaari itong magdala ng pag-ulan at pagbaha.

Pinayuhan ng DOH ang publiko na iwasang lumusong sa baha upang maiwasan ang leptospirosis at iba pang sakit. Kung hindi maiiwasang lumusong sa baha, pinapayuhan ang publiko na kumonsulta sa pinakamalapit na health facility o YAKAP clinic. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here