Home METRO P42 dagdag sa arawang sahod sa Central Visayas, aprubado ng NWPC

P42 dagdag sa arawang sahod sa Central Visayas, aprubado ng NWPC

3
0

CEBU CITY, Philippines – Makakatanggap ng P42 dagdag-sahod kada araw ang mga minimum wage earner sa Central Visayas, habang P500 dagdag-sahod kada buwan naman para sa mga kasambahay, inaprubahan ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) nitong Sabado, Setyembre 26.

Sa bagong wage order, magiging P582 kada araw ang minimum wage sa Class A areas o expanded Metro Cebu, mula sa dating P540. Sa Class B areas, kabilang ang ibang bahagi ng Cebu, Bohol, Negros Oriental at Siquijor, magiging P542 ito mula P500.

Para naman sa mga kasambahay, tataas ang minimum monthly wage sa P7,500 mula P7,000.

Ayon kay Labor Secretary Francis Tolentino, inaasahang makikinabang dito ang mahigit 300,000 minimum wage earners sa apat na lalawigan. Ang P42 dagdag-sahod ay katumbas ng humigit-kumulang P1,092 dagdag sa buwanang kita.

Magkakabisa ang wage order sa Oktubre 14, 2026, o 15 araw matapos ang nakatakdang paglalathala nito sa Setyembre 28. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here