MANILA, Philippines – Walang nakasungkit ng jackpot sa Grand Lotto 6/55 at Lotto 6/42 draw noong Sabado, Setyembre 26, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Ang winning combination sa Grand Lotto 6/55 ay 54-50-52-37-42-55, na may jackpot na P225.52 milyon, ngunit walang jackpot winner.
Sa Lotto 6/42, ang winning numbers ay 16-41-19-05-26-31, habang nasa P62.39 milyon ang jackpot. Wala ring nanalong jackpot. RNT/MDS