Home NATIONWIDE Makatarungan, evidence-based verdict kay VP Sara, magpapatatag sa bansa – Lacson

Makatarungan, evidence-based verdict kay VP Sara, magpapatatag sa bansa – Lacson

3
0

MANILA, Philippines – Makatutulong ang isang makatarungang desisyon sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte-Carpio na batay sa ebidensya upang magkaroon ng kinakailangang katatagan ang bansa, ayon kay Senator-Judge Panfilo “Ping” M. Lacson nitong Sabado.

Sinabi ito ni Lacson bilang tugon sa tanong ng mga organizer ng 65th anniversary celebration ng Philippine Constitution Association (Philconsa) sa Makati City kung anong uri ng desisyon ang makatutulong upang magkaroon ng katatagan sa politika at demokrasya ng bansa.

“A fair decision will bring stability to the country… As long as the decision is fair and based on evidence as presented without any political color, then it will bring stability to the country,” aniya.

Ngunit binigyang-diin ni Lacson na hindi pa umabot sa yugto ng pagdedesisyon ang paglilitis dahil hindi pa naihaharap ng depensa ang panig nito.

“Hindi pa complete, kasi the defense has not yet presented their evidence. We only hear one side of the story. We need to hear the other side,” aniya.

Nauna nang binigyang-diin ni Lacson na ang pagpapabilis sa mga paglilitis ay dapat mangahulugan ng mas mahusay na paggamit sa limitadong oras ng pagdinig, hindi ng pagsasakripisyo sa maayos na paglalahad ng ebidensya.

Para kay Lacson, ang anumang magiging desisyon sa huli ay dapat nakabatay sa Konstitusyon at sa mga ebidensyang iniharap sa panahon ng paglilitis, sa halip na sa mga konsiderasyong pulitikal o opinyon ng publiko. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here