Home METRO 18-anyos utas sa pagligtas ng batang nahulog sa ilog

18-anyos utas sa pagligtas ng batang nahulog sa ilog

3
0

CAVITE, Philippines – Patay ang isang 18-anyos na binata matapos matangay ng malakas na agos ng tubig sa Malinta River sa Barangay Sampaloc 2 matapos nitong iligtas ang isang menor de edad na kasama nitong naliligo sa ilog.

Kinilala ang biktima sa alyas na Jojo, residente ng Greensite, Barangay Sampaloc 2.

Ayon sa pulisya, naliligo ang biktima kasama ang menor de edad na si alyas Ryan at iba pang kabataan nang biglang lumakas ang agos ng tubig. Habang umaahon, nadulas at muling nahulog sa ilog sina Jojo at Ryan.

Sa kabila ng malakas na agos, nagawa ni Jojo na tulungan at mailigtas si Ryan. Ngunit siya mismo ay hindi na nakabalik sa pampang matapos matangay ng rumaragasang tubig.

Matapos ang insidente, agad nagsagawa ng search and rescue operation ang mga barangay personnel at rescuer. Makalipas ang mahigit 20 oras, natagpuan ang bangkay ni Jojo sa ilog. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here