Home NATIONWIDE Mga bata maaari ring atakihin sa puso sa mataas na cholesterol —...

Mga bata maaari ring atakihin sa puso sa mataas na cholesterol — cardiologist

2
0

MANILA, Philippines — Bagama’t bihira, maaari ring makaranas ng heart attack ang mga bata, partikular kung mayroon silang sobrang taas na cholesterol o problema sa puso mula pagkabata, ayon sa isang pediatric cardiologist.

Sinabi ni Dr. Connie Sison ng Philippine Children’s Medical Center na maaaring magkaroon ang ilang bata ng minanang mataas na cholesterol kahit hindi sila madalas kumain ng matatabang pagkain. Maaari ring maging dahilan ang congenital problems o mga problemang taglay na mula kapanganakan na nakaaapekto sa mga ugat na nagsusuplay ng dugo sa puso.

Gayunman, nilinaw ni Sison na hindi karaniwan sa mga bata ang uri ng heart attack na madalas makita sa matatanda.

Babala rin niya, maaaring magsimula pa noong bata ang pag-ipon ng cholesterol sa mga ugat at unti-unting lumala habang tumatanda. Maaari itong humantong sa atherosclerosis o pagbabara at paninigas ng mga ugat, na nagpapataas ng panganib ng heart attack sa pagtanda.

Samantala, nananatiling pangunahing sanhi ng pagkamatay sa Pilipinas ang ischemic heart disease, ayon sa Philippine Statistics Authority. Ang sakit na ito ay nangyayari kapag nababawasan ang suplay ng dugo at oxygen sa heart muscle, kadalasan dahil sa pagbabara ng coronary arteries.

Binigyang-diin ang kahalagahan ng maagang pangangalaga sa kalusugan ng puso kasabay ng paggunita sa World Heart Day tuwing Setyembre 29. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here