Home METRO Consumer groups nanawagan ng takeover sa water service sa SJDM

Consumer groups nanawagan ng takeover sa water service sa SJDM

2
0

BULACAN — Muling umigting ang panawagan ng mga consumer group sa San Jose del Monte City para sa agarang aksyon sa umano’y matagal nang problema sa suplay at serbisyo ng tubig sa lungsod.

Nanawagan ang Kilusang TAPAT at United Filipino Consumers and Commuters (UFCC) na ikonsidera ang posibleng takeover sa operasyon ng water service provider upang matiyak umano ang tuloy-tuloy at maaasahang serbisyo para sa mga residente.

Isinagawa ng Kilusang TAPAT at Water for All, na sinuportahan ng UFCC, ang kanilang pagkilos sa San Jose del Monte City nitong Setyembre 26.

Ayon sa grupo, walong taon nang nararanasan ng ilang residente ang umano’y kakulangan sa suplay ng tubig, mahinang water pressure at iba pang problema sa serbisyo.

Iginiit ng mga grupo na pangunahing pangangailangan ang tubig at hindi ito dapat ituring na pribilehiyo.

Dahil dito, nanawagan sila sa mga kinauukulang ahensya at kumpanya na maglatag ng malinaw na pananagutan, konkretong solusyon at agarang aksyon upang tugunan ang problema sa serbisyo ng tubig sa lungsod.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here