Bulacan – Isang lalaking wala ng buhay ang natagpuan ng mga awtoridad sa isang apartment sa Brgy. Muzon West, San Jose Del Monte (SJDM) nitong hapon ng Setyembre 26.
Sa ulat ng SJDM police station, ang biktima ay nakasuot ng puting tshirt, itim na short at may tangkad na tinatayang 5ft 4 inches.
Ayon sa ulat, naaresto naman kalaunan sa operasyon ng pulisya ang apat na suspek ay sina alyas “JM”, 19, alyas “ACP”, 16, alyas “JSM”, 16 at alyas “JCD”, 16 habang isang alyas “MP”, 30, na at-large.
Base sa salaysay ng saksing si alyas “Rosa”, 41, namataan niya ang ilang kabataan na pumasok sa isang apartment bandang 11:00 ng umaga noong Setyembre 25.
Nabatid na nakakarinig din ang saksi ng mga malalakas na ingay at kalabugan mula sa nasabing lugar na pinagtagpuan ng biktima.
Nang makarating sa pulisya ang nangyari ay agad silang tumungo sa lugar hanggang sa bumulaga sa kanila ang lalaking nakahandusay na umanoy may nga pasa sa ibat-ibang parte ng katawan, sugat sa nuo at wala ng buhay.
Dahil dito, patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente ng hinihinalang hazing na sinasabing isang pangkat o gang street umano ang nasa likod nito , ayon na rin sa impormasyon.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 11053 (Anti-Hazing Act of 2018). (Dick Mirasol III)