Home METRO 2 miyembro ng robbery group, timbog; mga baril, droga, nakumpiska

2 miyembro ng robbery group, timbog; mga baril, droga, nakumpiska

1
0

ZAMBALES, Philippines – Timbog sa mga awtoridad ang dalawang hinihinalang miyembro ng isang kilabot na robbery group sa ikinasang magkahiwalay na operasyon ng pulisya bayan ng San Antonio at Cabangan, Zambales.

Batay sa ulat ni Zambales Provincial Director Col.Benjamin Ariola, kay Central Luzon Police Director Brigadier General Jess Mendez.

Kinilala ang unang naarestong suspek na si alyas “Dags”, na nakumpiskahan ng isang kalibre 38 na baril at mga bala sa San Antonio, Zambales.

Habang nadakip sa hiwalay na operasyon si alyas “Dong” sa anti-illegal drug operations ng pulisya, kung saan nakumpiska sa suspek ang nasa higit isang gramo ng suspected shabu, 30 grams ng hinihinalang pinatuyong dahin ng marijuana at isang kalibre 38 na baril at mga bala sa Cabangan, Zambales.

Nakumpiska rin ng mga awtoridad ang limang (5) iba’t-ibang uri baril ng baril at samu’t-saring bala sa bahay ng umano’y Lider ng Robbery Group na si alyas “Jack” na Hindi inabutan ng mga pulis sa San Antonio, Zambales.

Sa ulat, inuugnay ang grupo sa mga umano’y serye ng robbery at cellphone snatching sa ilang bayan sa Zambales at robbery hold-up sa isang gasoline station sa Castillejos.

Nahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa Illegal Possession of Firearms and Ammunition at Dangerous Drug Law. (ROEL TARAYAO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here