Home METRO Kelot grinipuhan ng sinitang pinsan sa maingay na motor

Kelot grinipuhan ng sinitang pinsan sa maingay na motor

1
0

PANGASINAN, Philippines – Nasa ospital ngayon at ginagamot ang isang 22-anyos na lalaki matapos masaksak nang sitahin nito ang kanyang pinsan  dahil sa maingay nitong motor sa bayan ng Lingayen, Pangasinan nitong Lunes, Setyembre 28.

Ayon sa Lingayen MPS, ang biktima at ang 38-anyos na tricycle driver na pinsan nito ay parehong nakatira sa iisang compound.

Sinita umano ng biktima ang ang suspek dahil sa paulit-ulit nitong pag-rev ng motorsiklo na nakakaistorbo sa mga natutulog na residente.

Sa kabila ng pagsita, nagpatuloy ang suspek sa pag-rev sa makina ng kanyang motorsiklo hanggang sa mauwi sa pagtatalo.

Dahil sa galit ay sinuntok umano ng biktima  ang suspek sa mukha.

Agad na namagitan ang isang kamag-anak at pinaghiwalay ang dalawa.

Makalipas ang ilang minuto, pumunta ang suspek sa bahay ng biktima at kumatok.

Nang buksan ng biktima ang pintuan, nakita niya ang suspek na may hawak na kutsilyo.

Agad na sinaksak ng suspek ang biktima na timamaan sa itaas na bahagi ng dibdib.

Mabilis na tumakas ang suspek ngunit dahil sa mabilis na pagresponde at follow-up operation ng mga awtoridad, agad din itong naaresto. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here