Home METRO Tatakas sana; 2 isnatser naka motorsiklo, sumalpok sa truck, huli

Tatakas sana; 2 isnatser naka motorsiklo, sumalpok sa truck, huli

2
0

MALABON CITY, Philippines – ARESTADO ang dalawang kabataang snatcher nang sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang pick-up truck habang mabilis na tumatakas sa Malabon City, Linggo ng umaga.

Sa inilabas na ulat ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Acting Director P/BGen. Christopher Abrahano, magka-angkas sa motorsiklo ang mga suspek na may edad 22 at 19, nang tangayin nila ang bag sa loob ng isang nakaparadang sasakyan sa M.H. Del Pilar St., Brgy., Santulan, pasado alas-9:00 ng umaga bago mabilis na humarurot patakas.

Hinabol ng 40-anyos na biktima ang mga suspek na mabilis na lumiko sa Rodriguez Street hanggang mawalan ng kontrol sa tapat ng isang gasolinahan malapit sa kanto ng M. Santos Street at tuluyang sumalpok sa isang pick-up truck.

Kapwa duguan ang dalawang kawatan nang isugod ng nagrespondeng medical team ng Malabon City Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa Tondo Medical Center kung saan nananatiling nakaratay ang isa habang dinala na sa Malabon police station ang isa pa.

Sa pahayag ng biktima sa mga tauhan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, laman ng kanyang bag na tinangay ng mga suspek ang isang bundle na salapi na nakabalot sa plastic na aabot sa P100,000.00, mobile phone, wallet na naglalaman ng P1,500 cash at assorted na ID, na hindi na nabawi ng pulisya sa mga suspek. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here