MANILA, Philippines – Tinapos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang paggunita sa National Peace Consciousness Month sa pamamagitan ng isang aktibidad na isinagawa kasabay ng flag-raising ceremony sa DSWD Central Office nitong Lunes, Setyembre 28.
Sa temang “Kapayapaan Pagtibayin, Kaunlaran Paigtingin,” pinangunahan ni Director Miramel Laxa ng Peace and Development Buong Bansa Mapayapa (PDBBM)–National Program Management Office (NPMO) ang aktibidad, na nagtampok ng espesyal na musical presentation tungkol sa kapayapaan.
Naghatid naman ng mensahe si Undersecretary Evelyn Aribon mula kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, na binigyang-diin ang patuloy na pagsisikap ng Kagawaran na isulong ang kapayapaan at kaunlaran sa pamamagitan ng social protection programs at serbisyo para sa mga komunidad.
Dumalo rin sa aktibidad ang ilang undersecretaries, assistant secretaries at directors ng DSWD. SANTI CELARIO