Manila, Philippines – Sa isang panayam, natanong si Bianca De Vera kung bakit nagkliklik ang tambalan nila ng loveteam partner na si Dustin Yu.
Aniya, pareho raw na ini-explore pa nila ang isa’t-isa.
Katunayan, patuloy na kinikilig pa rin daw siya kay Dustin.
Kahit daw madalas silang magkasama ay excited pa rin siyang ma-update tungkol sa buhay ng aktor.
Ito rin daw ang dahilan kaya hindi siya nagsasawa o nauumay sa ka-loveteam.
“Iyong curiosity ko kay Dustin is never ending. As in everyday, I’m always excited to talk to him, ask him questions, make him kulit,” aniya.
“Ewan ko, parang for some reason hindi kasi ako nagsasawa sa presence niya. So I guess that’s why the kilig is so natural. Because even me, myself, yung nararamdaman ko, parang first time ko pa rin siya makita sa loob ng PBB.
“Alam mo yung ang sarap niyang kausapin. Ewan ko, minsan nga napapatanong ako, kung ‘yun na rin ang nararamdaman niya.
“‘Yung friendship kasi namin yung kampante. It’s a never-ending process of getting to know each other, which is such a blessing,” dugtong niya. Archie Liao