Home ENTERTAINMENT Tito Sen, nakaladkad sa traffic violation ng EB host na si Ian...

Tito Sen, nakaladkad sa traffic violation ng EB host na si Ian Red!

1
0

Manila, Philippines – May show cause order na inisyu ang Land Transportation Office (LTO) sa Eat Bulaga host na si lan Red, na tinukoy sa isang viral video–nang walang seatbelt habang nagmamaneho ng kanyang sasakyan.

Ipinatupad tuloy ng nasabing ahensya ang 90-day preventive suspension sa driver’s license ni lan habang inimbestigahan ang kaso.

Hindi man pinangalanan ng LTO si lan, may screen shot naman ito ng video with the host’s blurred face.

Kumalat din kalaunan sa iba’t ibang social media platforms ang actual video.

Makikitang nagmamaneho si lan habang nagkakasayahan at nagkakantahan sila ng mga co-passengers.

Tinukoy ang mga ‘yon na sina Maine Mendoza, Miles Ocampo at Ryzza Mae Dizon.

Nakasaad sa show cause order na kailangang humarap sa tanggapan ng Intelligence and Investigation Division (IID) si lan sa September 29 para sa pagdinig.

Pinagsusumite din si lan ng sinumpaang salaysay o paliwanag kung bakit hindi siya dapat managot.

Agad ding ipinatupad ang 90-day preventive suspension sa lisensya ni lan, isuko ito sa LTO habang nananatiling nasa alarm status ito.

Dahil sa violation ni lan, nakaladkd tuloy si Sen. Tito Sotto.

Co-author kasi ang EB pioneer host ng The Seat Belts Use Act of 1999 o Republic Act No. 8750 na inaprubahan bilang batas noong August 5, 1999.

Hinihintay ng Remate Online ang pahayag ni lan. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here