Home METRO Reklamo ng PCG vs kapitan ng MV June Aster, sinusuri ng DOJ

Reklamo ng PCG vs kapitan ng MV June Aster, sinusuri ng DOJ

1
0

MANILA, Philippines – Sinusuri na ng National Prosecution Service ng Department of Justice (DOJ) ang reklamong inihain ng Philippine Coast Guard (PCG) laban kay Roel Sarmiento, kapitan ng nasunog na MV June Aster.

Ayon sa PCG, kapag nakitang sapat ang mga ebidensyang kalakip ng reklamo, agad itong i-do-docket para sa pormal na preliminary investigation.

Sinabi ni PCG spokesperson Commodore Noemi Cayabyab na kabilang sa mga ebidensya ang umano’y falsification of documents dahil sa hindi tugmang bilang ng mga pasaherong nakalista sa Master’s Declaration of Safe Departure (MDSD).

Patuloy rin ang PCG sa pagbibigay ng libreng legal assistance sa mga apektadong pamilya at pagsasagawa ng aerial search operations sa karagatan ng Palawan at Southern Tagalog para sa walong nawawala pa matapos ang trahedya. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here