Home METRO 2 HVI, arestado sa P385K tobats, .45 pistol sa Cavite

2 HVI, arestado sa P385K tobats, .45 pistol sa Cavite

1
0

CAVITE, Philippines – Arestado ang dalawang umano’y high-value individuals (HVIs) matapos makumpiskahan ng hinihinalang shabu at baril sa buy-bust operation sa Barangay San Isidro Labrador 1, Dasmariñas City, Cavite.

Kinilala ng Dasmariñas Component City Police Station ang mga suspek sa alyas na “Dok” at “JC,” kapwa residente ng lungsod.

Ayon sa pulisya, isinagawa ng City Drug Enforcement Unit ang operasyon bandang alas-10:50 ng gabi. Nakumpiska sa mga suspek ang limang heat-sealed sachet na naglalaman umano ng shabu na tumitimbang ng 56.73 gramo at may tinatayang Standard Drug Price na ₱385,764.

Narekober din ang isang Taurus caliber .45 pistol, magazine na may apat na bala, isang genuine na ₱500 bill at isang ₱500 bill na ginamit bilang buy-bust money.

Nahaharap si alyas “Dok” sa paglabag sa Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, habang inihahanda rin ang mga kaso sa ilalim ng Sections 5, 11 at 26 ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Isusumite sa Cavite Provincial Forensic Unit sa Imus City ang mga nakumpiskang droga para sa laboratory examination. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here