Home NATIONWIDE Nilulutong tambalang Robredo-Pacquiao tandem para sa 2028, itinanggi ng Malakanyang

Nilulutong tambalang Robredo-Pacquiao tandem para sa 2028, itinanggi ng Malakanyang

1
0

MANILA, Philippines – Itinanggi ng Malakanyang ang ulat na 2028 admin slate na pangungunahan ng tambalang Naga City Mayor Leni Robredo at dating Senador Manny Pacquiao.

Napaulat kasi na sinabi ni political analyst na si Lito Banayo na posibleng pagsamahin sina Robredo at Pacquiao para sa halalan sa 2028.

“A source from inside the Palace told me it’s going to be a Leni-Pacman team,” ang sinabi ni Banayo sa isang panayam.

Kung matatandaan, itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Pacquiao bilang secretary at lead convenor ng National Anti-Poverty Commission (NAPC), isang Cabinet-level post. Nanumpa si Pacquiao sa harap ni Pangulong Marcos nito lamang unang bahagi ng Setyembre.

Habang napapadalas naman ang pagbanggit sa pangalan ni Robredo sa mga Palace briefings at mga proyekto.

“Lito Banayo? As in Lito Banayo? Sarili niyang political strategy? Hindi naman siya parte ng administrasyon,” ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro.

Wala namang detalye si Castro ukol sa tsismis dahil ang administrasyon aniya ay nakapokus sa tunay na trabaho nito.

“Ang tutok po ng Pangulo, unang-una, kailangan tugunan ang problema sa paparating na Super El Niño. Marami pa pong dapat tugunan, pati po itong mga isyu tungkol sa krisis sa Middle East,” ang winika ni Castro.

Masyado pa aniyang maaga para pag-usapan ang eleksyon.

“Sa ngayon po ay hindi politika o pamumulitika ang iniisip ng administrasyon. So, trabaho lang po muna tayo, huwag puro eleksyon, eleksyon, aksiyon, aksiyon muna,” ayon kay Castro. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here