Home ENTERTAINMENT Ama, dumalaw kay Lakam, ang tinag na No. 6 Most Wanted Person!

Ama, dumalaw kay Lakam, ang tinag na No. 6 Most Wanted Person!

2
0

Manila, Philippines – Dumalaw pala si Ginoong William Chiu Jr. sa kanyang anak na si Lakambini o Lakam sa Kamuning Police Station, nu’ng nakapiit pa ang anak.

FYI, dumiskarte na nga ng paraan ang pamilya Chiu para sa binabaan nang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Lakam.

Five point eight million pesos ang itinakdang piyansa sa negosyante, na inapela ng kanpo nito na babaan.

Ayon sa Chiu patriarch, hindi raw kinaya ng pamilya ang nasabing halaga para sa 45 anyos na anak.

Sa kabila nito’y may mga nag-volunteer daw na tumulong sa kanilang pamilya para maiprodyus ito.

Nakulong si Lakam kaugnay ng 124 counts ng qualified theft na isinampa ng nakababatang kapatid na si Kim Chiu.

Ang orihinal na P5.8M ay ginawa nang P5.6M dahil sa mosyon ng abogado ni Lakam na si Atty. Dominic Solis.

Mas pinili na kampo ni Lakam ang surety bond, kung saan isang bonding company ang magga-guarantee ng bail amount sa korte kapalit ng non-refundable premium.

Given this arrangement, nanatiling P5.6M ang halaga ng piyansa.

Si Lakam ay tinag na No. 6 Most Wanted Person ng Kamuning Police Station. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here