Home ENTERTAINMENT Rochelle, may mensahe sa Eat Bulaga!

Rochelle, may mensahe sa Eat Bulaga!

1
0

Manila, Philippines – The moment she set foot again on Eat Bulaga’y hindi makapaniwala si Rochelle Pangilinan na makakabalik sa pinanggalingang programa.

Dream fulfilled nga ni Rochelle ang makapagtanghal uli sa EB along with the other Sexbomb Girls.

On her Facebook page, ipinost ni Rochelle ang maikling video clip ng kanilang much-awaited guesting nitong September 20.

Ka-join din si Bossing Vic Sotto na nakisayaw at nakikanta na din.

“Maraming salamat, Eat Bulaga family!” part of Rochelle’s post.

Naging pahulaan kasi among the EB hosts kung sisipot ba o hindi ang tumatayong lider ng iconic group.

Saad ng aktres na ding si Rochelle: “Wala na yatang Pilipino na hindi nakakaalam na dito nagsimiula ang Sexbomb.

“Paulit-ulit man naming kuwento, proud na proud kami-dahil dito nagsimula ang lahat.

“Kung may pinalaki ng Sexbomb, kami naman ay mga batang pinalaki, pinatatag at tinulungan ng Eat Bulaga na mangarap, lumaban at makaahon sa buhay.”

Hinding-hindi daw magsasawang magpasalamat ang nasabing grupo: “At kung bibigyan kami ng pagkakataon, sa dami ng nangyari, babalik at babalik kami!”

Ang EB–ayon kay Rochelle–ang dahilan what and who they are now.

“To God be the glory!” pangwakas ni Rochelle na nagpaiyak sa mga manonood.

Aw! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here