MANILA, Philippines — Sinabi ng National LPG Alliance of the Philippines Inc. (NLAP) na babantayan nito ang pagbuo ng guidelines para sa LPG Cylinder Swapping Centers upang matiyak, ayon sa grupo, na hindi ito magbibigay ng hindi patas na bentahe sa ilang malalaking kumpanya.
Ayon kay NLAP President Jose “Jojo” Cruz, nais ng grupo na matiyak na ang magiging panuntunan ay naaayon sa Republic Act No. 11592 o LPG Industry Regulation Act at isinasaalang-alang ang kapakanan ng independent LPG dealers, refillers at consumers.







