Home LIFESTYLE HEALTH CamSur nagdeklara ng state of calamity dahil sa dumadaming kaso ng dengue

CamSur nagdeklara ng state of calamity dahil sa dumadaming kaso ng dengue

1
0

CAMARINES SUR, Philippines – Nagdeklara ng state of calamity ang pamahalaang panlalawigan ng Camarines Sur matapos umabot sa 1,233 ang kaso ng dengue at 18 ang nasawi hanggang Setyembre 24, 2026.

Inanunsyo ni Gov. LRay Villafuerte ang deklarasyon nitong Lunes sa isang dengue command conference, kung saan inatasan ang mga lokal na pamahalaan at provincial health offices na agad ipatupad ang mga hakbang para sa containment at medical response.

Kabilang sa mga lugar na may pinakamataas na kaso ang Bato, Nabua at Pili.

Inatasan din ang Provincial Health Office at disaster councils na palawakin ang disease surveillance, ihanda ang mga ospital sa posibleng pagdami ng pasyente, maglaan ng medical supplies at tiyakin ang mabilis na referral ng mga malubhang kaso.

Kabilang sa mga hakbang ang inspeksyon sa mga lugar na pinamumugaran ng lamok, targeted disinfection, information campaigns at school cleanup drives sa ilalim ng “Food-for-Work” initiative.

Nakipagtulungan din ang probinsya sa Bicol Medical Center at Philippine Red Cross para sa community bloodletting upang mapanatili ang sapat na suplay ng dugo para sa mga kritikal na pasyente.

Hinimok ang publiko na sirain ang mga pinamumugaran ng lamok sa pamamagitan ng “4Ts” — Taob, Taktak, Tuyo, Takip — at isagawa araw-araw ang “Alas Kwatro Kontra Mosquito” sa kanilang mga tahanan. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here