Home NATIONWIDE DA, nagtakda ng deadline sa pagpaparehistro ng agri storage

DA, nagtakda ng deadline sa pagpaparehistro ng agri storage

4
0

MANILA, Philippines – Binigyan ng Department of Agriculture (DA) hanggang Disyembre 31, 2026 ang mga operator ng agricultural warehouses, cold storage at iba pang storage facilities para irehistro ang kanilang pasilidad.

Isinasagawa ang registration sa pamamagitan ng Registry System for Agri Storage.

Sa ilalim ng Republic Act No. 12022 o Anti-Agricultural Economic Sabotage Act, kailangang irehistro ng mga operator ng agricultural at fishery storage facilities ang kanilang mga pasilidad at panatilihin nang hindi bababa sa limang taon ang tumpak na records.

Nilinaw ng DA na ang registration ay hiwalay sa certification o inspection.

Naghahanda rin ang DA ng nationwide inspection schedule para sa 2027, kung saan bibigyan ang bawat rehiyon ng nakatakdang panahon para sa inspeksyon dahil limitado ang bilang ng personnel.

Layunin ng registration na matulungan ang gobyerno na matukoy at masubaybayan ang mga posibleng kaso ng smuggling at hoarding ng agricultural products.

“By mapping storage facilities and inventories, the department expects to improve traceability and spot supply movements that could signal smuggling, hoarding, or other practices that threaten food security and the domestic market,” ayon sa DA. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here