Home METRO Klase sa paaralan sa Valenzuela, sinuspinde sa shooting threat

Klase sa paaralan sa Valenzuela, sinuspinde sa shooting threat

1
0

VALENZUELA CITY, Philippines – Pansamantalang sinuspinde ang klase sa isang hindi pinangalanang paaralan matapos makatanggap ng note na nagbababala tungkol sa umano’y planong pamamaril sa loob ng campus, ayon sa Philippine National Police (PNP) nitong Martes.

Sinabi ni PNP spokesperson Police Colonel Allen Rae Co na nakasaad sa note na may isang taong may dalang baril at planong barilin at saktan ang mga tao sa loob ng paaralan.

“There was someone in Valenzuela, although it is not yet clear if the person was also a student, who handed a note to one of our faculty members,” ani Co.

Ayon sa kanya, sinabi rin sa note na maaaring maabutan o madamay ang mismong sumulat nito sa insidente.

Nakikipag-ugnayan ang pulisya sa school principal, faculty at iba pang concerned individuals upang matukoy kung tunay na banta ang naturang note.

Sinuri rin ng mga awtoridad ang taong tinukoy sa note at nagsagawa ng security sweep sa paligid ng paaralan. Wala namang nakitang agarang banta.

Hinimok ng PNP ang publiko na iwasang gumawa ng mga banta na maaaring makagambala sa klase at mag-aksaya ng mga resources ng law enforcement. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here