Home METRO ‘Malaking isda’, 1 pa nalambat sa P480K ‘damo’ sa Bulacan buy-bust

‘Malaking isda’, 1 pa nalambat sa P480K ‘damo’ sa Bulacan buy-bust

2
0

BULACAN, Philippines – Arestado ang dalawang indibiduwal kabilang ang itinuturing na High-Value Individual (HVI) nang mahulihan ng P480,000.00 halaga ng iligal na droga sa buy-bust operation ng pulisya sa lungsod San Jose Del Monte (SJDM) nitong Setyembre 28.

Sa ulat ni PLTCOL Nelson Sardin, Acting Chief of Police ng SJDM police station, kinilala ang mga suspek na sina alyas “Moymoy”, 28, kabilang sa HVI at alyas “Buntot”, 27.

Ayon sa ulat,  isinagawa ang operasyon ng City Drug Enforcement Unit ng istasyon bandang 10:10 ng gabi sa Brgy. Bagong Buhay 1.

Nabatid na naaresto ang dalawang suspek nang magbenta ng isang transparent plastic zip-lock ng hinihinalang tuyong dahon ng marijuana sa mga police poseur buyer kapalit ang P500 marked money.

Sa isinagawang protective search, nakumpiska mula sa mga suspek ang buy-bust money, tatlong piraso ng bricks na nakabalot sa transparent plastic, isang self-sealing knot-tie transparent plastic at isang transparent zip-lock ng hinihinalang marijuana na may kabuuang timbang na 4 kilos at may Standard Drug Price P480,000.00.

Ang mga suspek at mga ebidensya ay dinala sa istasyon para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanila. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here