Home METRO 3 naaktuhang nagdodroga sa Valenzuela, arestado

3 naaktuhang nagdodroga sa Valenzuela, arestado

1
0

VALENZUELA CITY, Philippines – Arestado ang tatlong indibidwal na sangkot umano sa iligal na droga makaraang  mahuli sa akto na sumisinghot ng shabu sa  magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City.

Sa ulat ni SDEU investigator P/MSgt. Carlito Nerit Jr. kay Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento, nagsasagawa ng ‘Oplan Galugad’ ang mga operatiba ng Police Sub-Station 5 sa Little Pampanga St., Brgy. Balangkas nang maaktuhan nila ang 44-anyos na mangingisda na si alyas “Ron” na sumisinghot umano ng shabu sa loob ng isang bahay alas-5:25 ng hapon.

Nilapitan siya nina PSMS Israel Gutierrez at Pat Joshua Miguel Capiral saka nagpakilala bilang mga bago inaresto.

Dakong alas-10:15 ng gabi nang mahuli naman sa akto nina PCpl John Rey Laredo at PCpl Chester Montana, kapwa nakatalaga sa Police Sub-Station 1 si alyas “Tonio”, 40, construction worker na bumabatak din umano ng droga sa Francisco St., Brgy. Paso De Blas.

Habang naaresto naman nina PCpl Elmer Olieca at Pat Sherwin Caampued, kapwa ng Police Sub-Station 2 si alyas “Josh”, 32, nang maaktuhan nila na nagsa-shabu umano sa loob ng isang bahay sa San Gregorio St., Brgy., Gen T De Leon pasado alas-11:10 ng gabi.

Nasamsam sa mga suspek ang tatlong nakabukas na plastic sachet na may laman ng bahid ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalias.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sections 12 at 15 ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here