MANILA, Philippines – Pormal nang ipinakita sa fans ni NBA career scoring leader LeBron James ang kanyang Philadelphia 76ers jersey ssa ginanap na presentation para sa pagbubukas ng kanyang ika-24 season sa liga.
Ayon sa 41-anyos na kampeon na lumipat siya sa Sixers, kasama sina Joel Embiid, Tyrese Maxey, at Jaylen Brown, upang tulungang wakasan ang mahigit apat na dekadang pagkauhaw ng koponan sa kampeonato at hindi upang matalo lamang sa second round ng playoffs.
Matatandaang pumirmag si James ng dalawang taong kontrata sa minimum rate matapos magdesisyong magpatuloy sa paglalaro kasunod ng konsultasyon sa kanyang pamilya sa Los Angeles.
Ayon sa four-time MVP, dala niya ang karanasan at blueprint ng pagiging kampeon mula sa Heat, Cavaliers, at Lakers upang magsilbing gabay sa kanyang mga bagong kasama.
Bahagya namang umiswas ang sikat na NBA player nang tanungin kung kailan siya tuluyang magreretiro at pinipili na lamang na magpokus sa kasalukuyang takbo ng kanyang karera.JC