Home TOP STORIES TNVS group pinuri LTFRB sa fare adjustment

TNVS group pinuri LTFRB sa fare adjustment

45
0

MANILA, Philippines — Nagpasalamat ang United Transportation Coalition Philippines Inc. (UTCPI) sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Department of Transportation (DOTr) kasunod ng pagpapatupad ng fare adjustment para sa Transport Network Vehicle Service (TNVS) at iba pang public utility vehicles.

Inaprubahan ng DOTr ang rekomendasyon ng LTFRB na ipatupad ang fare adjustments na naunang nasuspinde noong Marso. Naging epektibo ang bagong singil noong Setyembre 28, kabilang ang adjustment sa TNVS fares, sa gitna ng pagtaas ng presyo ng fuel.

Ayon sa UTCPI, makatutulong ang adjustment sa mga driver na nahaharap sa tumataas na fuel at operating costs, kabilang ang dagdag na konsumo ng gasolina dulot ng matinding trapiko.

“Bilang libu-libong tsuper na kumakayod sa kalsada, hiling lamang namin na patuloy kaming pakinggan ng pamahalaan sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng pampublikong transportasyon,” ani UTCPI President Lisza Buscaino-Redulla.

Sa ilalim ng bagong fare structure, tinaasan din ang TNVS fares depende sa uri ng sasakyan. Kasama ang TNVS sa jeepney, bus, airport taxi at point-to-point bus services na saklaw ng adjustment.

Kasabay nito, nanawagan ang UTCPI sa mga pasahero na maging mapag-unawa sa fare adjustment, habang kinikilala rin ang dagdag na gastusin na kinakaharap ng commuters.

“Ang nais lamang namin ay manatiling patas ang kita ng bawat tsuper, upang patuloy kaming makapaghatid ng ligtas, maayos, at maaasahang serbisyo,” dagdag ni Buscaino-Redulla.

Sinabi ng grupo na patuloy nitong babantayan ang presyo ng fuel at makikipag-ugnayan sa LTFRB at DOTr hinggil sa mga susunod na polisiya para sa TNVS drivers at commuters. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here