MANILA, Philippines — Nagpasalamat ang United Transportation Coalition Philippines Inc. (UTCPI) sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Department of Transportation (DOTr) kasunod ng pagpapatupad ng fare adjustment para sa Transport Network Vehicle Service (TNVS) at iba pang public utility vehicles.
Inaprubahan ng DOTr ang rekomendasyon ng LTFRB na ipatupad ang fare adjustments na naunang nasuspinde noong Marso. Naging epektibo ang bagong singil noong Setyembre 28, kabilang ang adjustment sa TNVS fares, sa gitna ng pagtaas ng presyo ng fuel.







