Home METRO Kelot naaktuhang nag-iihaw ng aso, arestado

Kelot naaktuhang nag-iihaw ng aso, arestado

4
0

LA UNION, Philippines – Arestado ang isang 43-anyos na lalaki matapos  maaktuhang sinusunog ang isang aso sa bayan ng Agoo ng lalawigang ito nitong Miyerkules, Setyembre 30.

Ayon sa Agoo MPS, ang suspek ay residente ng naturang bayan.

Nabatid na agad nagresponde ang mga personnel ng Agoo MPS  matapos makatangap ng tawag sa 911 tungkol sa di umano’y nangyayaring paglabag sa RA 8485 (Animal Welfare Act of 1998), na inamyendahan ng  RA 10631.

Pagdating sa erya ay nasaksikhan mismo ng mga awtoridad ang suspek na sinununog ang isang aso na sinasabing ibebenta sana.

Agad na inaresto ng mga awtoridad ang suspek at kinumpiska ang sinusunog nitong aso.

Dinala sa police station ang suspek at ang sinusunog nitong aso para sa mga gagawing dokumentasyon, imbestigasyon at disposisyon. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here