Home NATIONWIDE Science at tech tools dapat kasama sa planning, desisyon ng LGU –...

Science at tech tools dapat kasama sa planning, desisyon ng LGU – DOST

4
0

MANILA, Philippines – Dapat na isama ng mga lokal na pamahalaan ang science at technology tools katulad ng GeoRisk Philippines at Hazard Hunter PH sa kanilang regular planning at mga desisyon, ayon sa Department of Science and Technology nitong Huwebes, Oktubre 1.

Ayon kay DOST Region 8 Director John Glenn Ocana, isa sa mga pagsubok sa paggamit sa mga tools na ito ay “moving from available technology to actually using the technology.”

Aniya, ang paggamit ng hazard maps, risk information, forecasts, early warning systems at local knowledge ay magbibigay sa mga LGU at mga komunidad ng mas maayos na basehan para sa decision making.

“This can help them prepare, allocate resources, take action earlier,” ani Ocana.

Samantala, sinabi ng Office of Civil Defense na mahalagang pagbutihin ang disaster resilience infrastructure ng bansa kabilang ang flood control structures, drainage systems, at mga tulay.

Ani OCD spokesperson Vicente Gregorio Tomas, ito ay magagawa sa pagpapalakas ng building standards at pagsasagawa ng regular na structural inspections.

Inirekomenda niya ang paggamit ng risk at hazard maps para suriin kung ang mga infrastructure project ay nararapat kung saan ito itatayo.

Tinukoy din ni Tomas ang kahalagahan ng paghahanda sa disaster risks dahil sa epekto ng climate change at iba pang salik. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here