MANILA, Philippines – Tinawag ni prosecution counsel at spokesperson Benjamin “Jay” Tolosa Jr. nitong Huwebes, Oktubre 1, ang hiling ng depensa sa mas maraming oras para pag-aralan ang financial records bilang delaying tactic.
Napansin umano niya ang sadyang pagpapatagal ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Sa ika-32 araw ng paglilitis, ipinagpaliban kasi ng impeachment court ang pagdinig sa testimonya ni Anti-Money Laundering Council (AMLC) Executive Director Ronel Buenaventura at ginawa itong Lunes.
Ang deferment ay kasunod ng pangamba ng defense team sa confidentiality ng rekord at humiling ng dagdag na panahon para makapaghanda.
Ani Tolosa, naniniwala siyang ang pagpresenta ng financial documents ay dapat na agad gawin dahil ito ang “main event” sa impeachment proceedings.
“Well, we’ve seen that everytime there is significant evidence to be presented, issues are raised about it,” sinabi pa ng counsel.
“But I am not saying that they are deliberately trying to cause a delay. But obviously, the fact is, it is causing a delay,” paglilinaw nito.
Para naman kay defense lead counsel Sheila Sison, sinabi nito na ang mga kopya ng AMLC summaries na ipipresenta sa testimonya ni Buenaventura ay naibigay lamang sa defense team umaga ng Huwebes.
Ang prosekusyon naman ay handa na sa pagpresenta ng witness Huwebes ng hapon.
Naniniwala si Tolosa na mayroong sapat na panahon para sana makapaghanda ang depensa. RNT/JGC