Home NATIONWIDE 4 timbog sa baril, droga sa Cavite

4 timbog sa baril, droga sa Cavite

1
0

MANILA, Philippines – Apat na na kalalakihan na sangkot sa hinihinalang iligal na droga ang nadakip ng pulisya sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Maderan, General Mariano Alvarez (GMA), Cavite.

Ayon sa report ng GMA Municipal Police Station, kinilala ang mga naaresto sa mga alyas na “Jayson,” “Arjie,” “Balong,” at “Madi,” na pawang mga residente ng nasabing lugar.

Batay sa imbestigasyon, dakong alas-2:30 ng hapon nang isagawa ng Municipal Drug Enforcement Team ang nasabing operasyon kung saan nadakip ang apat na suspek na nasa street-level individuals.

Sa isinagawang operasyon, nakumpiska umano mula sa mga ito ang (5) limang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 0.69 gramo.

Nasa ₱4,692 ang halaga ng nakumpiskang droga batay sa Standard Drug Price nito.

Bukod sa droga, nakarekober rin umano sila ng isang .38 caliber revolver dalawang ₱100 bill na ginamit bilang buy-bust money at isang itim na coin purse.

Nakakulong ngayon sa General Mariano Alvarez Police Station ng mga suspek at inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here