Home NATIONWIDE Petisyon vs sesyon na nagluklok kay Gatchalian bilang SP, ibinasura ng SC

Petisyon vs sesyon na nagluklok kay Gatchalian bilang SP, ibinasura ng SC

5
0

MANILA, Philippines – ‎Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon laban sa sesyon ng Senado noong Hunyo 3, 2026, kung saan 12 senador ang nagdeklara ng bakanteng mga puwesto at naghalal kay Senador Sherwin Gatchalian bilang Senate President Pro Tempore at acting Senate President.
‎
‎Nangyari ang sesyon matapos hindi dumalo sa loob ng dalawang araw ang kampo ni dating Senate President Alan Peter Cayetano kasunod ng pag-aresto kay Senador Jinggoy Estrada noong Hunyo 1, dahilan para mawalan ng quorum ang 24-miyembrong Senado.
‎
‎Tanging si Senador Francis Escudero mula sa Cayetano bloc ang dumalo noong Hunyo 3, kaya nabuo ang 12 miyembro na bumuo ng quorum batay sa kasong Avelino vs. Cuenco.
‎
‎Sa sesyon, tumanggi ang Senate secretary na mag-roll call kaya deputy secretary ang nagtawag.

Inihalal din sina Senador Migz Zubiri bilang Rules chairman, Ray Bantug Jr. bilang Senate Secretary, at si Ret. Maj. Gen. Alfredo Corpus bilang Sergeant-at-Arms.
‎
‎Samantala, naglabas ng memorandum si Cayetano ng sine die adjournment nang hindi dumadalo sa plenaryo at nagbabala ng constitutional crisis.
‎
‎Noong Hunyo 17, sa special session na ipinatawag ni Pangulong Marcos, opisyal na nahalal si Gatchalian bilang Senate President matapos bumoto ni Sen. Joel Villanueva bilang ika-13 boto.
‎
‎Ayon sa SC sa resolusyon nitong Agosto 26, walang grave abuse of discretion sa ginawang sesyon at ito ay naaayon sa batas at jurisprudence. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here