Home METRO Mayon nagbuga ng abo

Mayon nagbuga ng abo

6
0

ALBAY, Philippines – Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang ash emission event mula sa crater ng Mayon Volcano noong Sabado ng umaga.

Nangyari ang pagbuga alas-8:04 ng umaga at nakitaan ng kulay abong plume na umabot sa 200 metro mula sa crater bago tinangay ng hangin patimog-kanluran, batay sa recording ng Calbayog Station (VMCB) RasPi Camera.

Patuloy na nakataas sa Alert Level 2 ang Mayon Volcano.

“Alert Level 2 prevails over Mayon and entry into the 6-km Permanent Danger Zone should be prohibited,” babala ng PHIVOLCS. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here