MANILA, Philippines – Tiniyak ni Public Works Secretary Vince Dizon na maiibsan ang nararanasang pagbaha sa Taft Avenue, Roxas Blvd. at Malate area dahil sa ginagawang pagpapalawak ng drainage sa service road ng Roxas Boulevard.
Sa inspeksyon sa proyekto, sinabi ni Dizon na mas pinalaki ang drainage at maglalagay ng malalaking High-Density Polyethylene (HDPE) pipes o malalaking plastic na tubo para mas maging maayos ang daloy ng tubig at maiwasang mabarahan ng basura.
Ayon sa Kalihim, nagkakahalaga ng P47 milyon ang proyekto at target matapos bago matapos ang 2026.
Ikokonekta ang malalaking tubo sa limang pumping at catch basin sa Roxas Blvd. para matiyak na hindi na babahain ang ilang lugar sa Maynila at karatig-lungsod. Jocelyn Tabangcura-Domenden