Home NATIONWIDE PBBM nagpatawag ng pulong, tatalakayin hakbang ng pamahalaan vs El Nino

PBBM nagpatawag ng pulong, tatalakayin hakbang ng pamahalaan vs El Nino

2
0

MANILA, Philippines – NAGPATAWAG si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng pagpupulong sa Malakanyang kung saan ay agenda ng pulong ang mga hakbang ng pamahalaan bilang tugon sa inaasahang epekto ng El Niño phenomenon.

Sinasabing magiging bahagi ng pagpupulong ang mga paghahanda at gagawin ng gobyerno para mabigyan ng proteksiyon ang ibat- ibang sektor na maaaring maapektuhan ng matinding tagtuyot.

Kabilang sa maaaring matalakay ang preparasyon sa suplay ng tubig, agrikultura, kalusugan, enerhiya at iba pang pangunahing serbisyo sa harap ng idudulot na epekto ng super El Nino.

Nauna nang sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na mismong si Pangulong Marcos Jr. ang mangunguna sa gagawing aksiyon ng gobyerno sa gitna ng inaasahang magiging epekto ng matinding tagtuyot na tatama sa bansa. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here