Home METRO Dating rebeldeng komunista sa coastal area ng Central Luzon sumuko sa mga...

Dating rebeldeng komunista sa coastal area ng Central Luzon sumuko sa mga parak sa Bulacan

4
0

BULACAN, Philippines – Boluntaryong sumuko sa mga awtoridad ang isang 49-anyos na dating rebeldeng komunista sa 1st Provincial Mobile Force Company Headquarters, Brgy. Guinhawa, Malolos City nitong tangahali ng Oktubre 4.

Sa ulat ni PLTCOL Norheda Usman, Acting Force Commander, kinilala ang sumuko na si alyas “Ka Bitoy”.

Ayon pa sa ulat ni Usman, isinuko rin ng dating rebelde ang isang hindi lisensyadong snub-nosed caliber .38 revolver na walang serial number.

Aniya, isinagawa ang matagumpay na pagsuko ng dating rebelde sa pamamagitan ng 1st PMFC katuwang ang mga personnel ng Malolos police station at Regional Mobile Force Battalion 3 bandang 12:10 ng tanghali sa nasabing punong himpilan.

Sinasabing ang sumuko ay dating miyembro ng Rebolusyonaryong Hukbomg Bayan na umanoy kumikilos sa mga coastal area ng Bulacan, Pampanga, Zambales at Bataan.

Samantala, patuloy umanong paiigtingin ng Bulacan Police Provincial Office ang pakikipag-ugnayan sa ibat-ibang law enforcement units at mga katuwang na ahensya upang mahikayat ang mga dating miyembro ng armadong grupo na talikuran ang armadong pakikibaka at muling makapamuhay ng mapayapa, ayon kay PCOL Jay Baybayan, Acting Provincial Director. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here