Manila, Philippines – Talk of the town ang isang clip ng basketball match ng kampo ni Gerald Anderson laban sa team ng Kapuso artists na ginanap sa Cebu.
Sa video, makikitang nagkagirian sina Gerald at isang miyembro ng kalabang kampo na pinamumunuan ni David Licauco.
Sa kanilang girian na muntik nang nauwi sa sapakan, namagitan ang isang blonde girlalu o mukhang girlalu na kahawig ni Vice Ganda.
Kaaliw naman ang mga naging komento ng netizens sa naturang clip.
Ito ang ilan sa kanilang mga komento.
“Buti na lang umawat si Meme.”
“Ano ba tlga? Blondie yung bida eh.”
“Vice Ganda, akala namin ikaw toh meme.”
“ANG SAYA KO NUNG NAKITA KO SI VICE NA UMAAWAT SA BASKETBALL GAME… KASO NUNG PAGHARAP JUSKO NADISMAYA AKOO.”
“Akala ko si VG haha pag tagilid ay hindi pala hahaha.”
“Talikod si vice, pag harap si chloe pala.”
“Sure ako, magco-comment si Meme about this sa Showtime.”
“Epal si Vice.”
“Di ba si Blythe?”
“Akala ko si Klang.”
As of this writing , ang nakagirian pala ni Ge ay ang tatay ng Kapuso actor na si Anthony Constantino. Archie Liao