Home NATIONWIDE Rep. Jojo Ang, nag-plead ng not guilty sa graft case

Rep. Jojo Ang, nag-plead ng not guilty sa graft case

4
0

MANILA, Philippines – Nag-plead ng not guilty si Uswag Ilonggo Rep. James “Jojo” Ang Jr. sa isa sa mga graft case na kinakaharap niya sa Sandiganbayan Second Division nitong Martes.

Personal na humarap si Ang sa arraignment at pretrial proceedings kaugnay ng kasong paglabag sa Section 3(h) ng Republic Act No. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Ipinagbabawal sa naturang probisyon ang pagkakaroon ng direkta o hindi direktang financial o pecuniary interest ng isang public official sa negosyo, kontrata o transaksyon na kanyang pinakikialaman o kinabibilangan bilang bahagi ng kanyang opisyal na tungkulin.

Nauna nang nagsampa ang Office of the Ombudsman ng 14 na bilang ng graft laban kay Ang dahil sa umano’y kaugnayan niya sa isang construction firm na nakakuha ng mga kontrata sa Department of Public Works and Highways na nagkakahalaga ng P214 milyon.

Limang criminal cases ni Ang ang hawak ng Sandiganbayan Second Division. Sa apat pa niyang kaso, nauna na siyang nag-plead ng not guilty noong Setyembre 8 at Setyembre 15.

Inaasahang ilalahad ng prosekusyon ang kanilang mga ebidensya laban kay Ang sa Nobyembre 24 at Disyembre 1.

Kung maghahain naman ng ebidensya ang depensa, nakatakda itong gawin sa Enero 12 at Enero 21. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here