Home NATIONWIDE MMDA GM Torre, pinalawig leave ‘gang Okt 15

MMDA GM Torre, pinalawig leave ‘gang Okt 15

3
0

MANILA, Philippines – Pinalawig ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Nicholas Torre III ang kanyang leave ng 15 araw o hanggang Oktubre 15, ayon kay MMDA Chairman Romando Artes Jr.

Ayon kay Artes, pinalawig ni Torre ang kanyang leave upang dumalo sa libing ng kanyang biyenan.

“October 16 babalik (si GM Torre) sa office,” ani Artes.

Una nang nag-file si Torre ng isang buwang leave kasunod ng kontrobersiya sa paggamit ng MMDA-marked patrol vehicle sa EDSA Busway.

Nauna ring nagpahiwatig si Torre ng posibilidad na magretiro nang mas maaga.

Samantala, nagpataw na ang Land Transportation Office (LTO) ng mga sanction laban sa driver ni Torre dahil sa mga paglabag.

Sinabi naman ng MMDA na wala itong hiwalay na sanction laban kay Torre dahil wala itong disciplinary authority sa general manager na presidential appointee. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here