Home METRO Kilos protesta vs pagbisita ni Trump sa Nobyembre, ikinasa

Kilos protesta vs pagbisita ni Trump sa Nobyembre, ikinasa

7
0

MANILA, Philippines – Muling nagmartsa ang Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) upang kondenahin ang umano’y karahasan ng Estados Unidos sa Palestine.

Tinangka ng grupo na magtungo sa Embahada ng Amerika sa Roxas Boulevard mula Kalaw Avenue, ngunit hinarang sila ng mga pulis.

Kinondena rin ng BAYAN ang planong Pax Silica Economic Security Zone sa Capas, Tarlac na ayon sa grupo ay maaaring magpalayas sa mga katutubo at makasira sa kanilang kabuhayan.

Panawagan ng grupo na palayasin ang mga tropang Amerikano at buwagin ang mga base at pasilidad militar ng US sa bansa.

Ayon sa BAYAN, simula pa lamang ang kanilang pagkilos at naghahanda sila ng mas malalaking protesta sa Nobyembre, kasabay ng 49th ASEAN Summit na inaasahang dadaluhan ni US President Donald Trump. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here