Home METRO Isabela vice mayor, barangay captain nagkagirian sa forum

Isabela vice mayor, barangay captain nagkagirian sa forum

25
0

REINA MERCEDES, Isabela – Tila hindi tumatak sa kanilang napag-aralan ang Good Manners and Right Conduct o GRMC matapos na  magpalitan ng sigawan at maaanghang na salita si Reina Mercedes Vice Mayor Atty. Harold Respicio at ang kapitan ng Brgy. Sinippil, Reina Mercedes sa isinagawang Civilized Forum.

Sa isinagawang forum, unang tinatalakay ang mga proyekto ng barangay sa nabanggit na bayan.

Kung saan ay tinanong at inusisa ng Vice Mayor Respicio kung ang mga proyekto na nabigyan na ng pondo ay natapos na ba.

Nagsimula ang pagsigaw ni Vice Mayor Respicio nang tanungin nito ang isang kapitan tungkol sa isang P5-M worth of project sa kanyang barangay. Tumaas ang boses ng Vice Mayor at tinawag na sinungaling ang mga naroroon ng hindi masagot ng diretso ng kapitan ang kanyang tanong kung nasimulan o natapos na ba ang sinasabing proyekto.

Dahil sa ginawa nitong pagsigaw, sinita siya ng isa sa mga kapitan at sinabing dapat ay hindi ito pasigaw na makipag-usap sa kanila.

Paliwanag ni Vice Mayor Respicio, nasa civilized forum sila at ngayon lamang sila magpa-prangkahan tungkol sa mga proyekto.

Kasunod naman nitong tinanong ang kapitan ng Brgy. Sinippil tungkol sa umanoy panghaharang sa mga Tobacco Formers.

Dahil dito,  tahasan sumagot ang barangay kapitan kasabay ng pagganti ng duro kay Vice Mayor Respicio.

Dito na nagsimula ang palitan ng maaanghang na salita sa pagitan ng dalawa. Sa kabila ng pag-awat sa dalawa, hindi nagpapigil ang mga ito.

Tinawag ng kapitan si Vice Mayor Respicio na “Bastos”, habang tinawag naman ng bise mayor ang kapitan na “Magnanakaw”.

Samantala, sinabi pa umano ng kapitan na hindi nagta-trabaho ang bise alkalde sublit kinukuha nito ang kanyang sahod mula sa gobyerno. (REY VELASCO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here