Home NATIONWIDE 2022-2025 balances ng CALE88, GenCorp sa Security Bank, nalantad sa VP Sara...

2022-2025 balances ng CALE88, GenCorp sa Security Bank, nalantad sa VP Sara trial

3
0

MANILA, Philippines – May walong aktibong peso account sa Security Bank ang Gencorp Industries Inc., kumpanyang idineklara ni Vice President Sara Duterte bilang business interest sa kanyang SALN, ayon kay Security Bank Branch Banking Group Head Leslie Cham sa pagpapatuloy ng impeachment trial nitong Miyerkoles.

Kinumpirma ni Cham, sa pagtatanong ni Senator-Judge Francis “Kiko” Pangilinan, na lahat ng walong account ay aktibo pa.

“Eight accounts,” sagot ni Cham nang tanungin tungkol sa bilang ng account. Nang tanungin kung aktibo pa ang lahat, sagot niya: “Yes, sir.”

Binuksan ang mga account mula Oktubre 2020 hanggang Nobyembre 2025. Kabilang dito ang account ending 6890, na may P7.88 milyon noong 2022, P10.76 milyon noong 2023, P9.04 milyon noong 2024 at P3.28 milyon noong 2025.

Ang account ending 7215 naman ay may P40.59 milyon noong 2022, P15.66 milyon noong 2023 at P11.30 milyon noong 2024, habang walang available na figure para sa 2025. Ang iba pang account ay nagtala ng balances mula P18,656.16 hanggang P5.05 milyon, kabilang ang isang account na may zero balance.

Sa kabuuan, umabot sa P50.75 milyon ang year-end balance ng Gencorp noong 2022, P33.22 milyon noong 2023, P31.45 milyon noong 2024 at P14.50 milyon noong 2025.

Sa kanyang SALN, idineklara ni Duterte ang kanyang sarili bilang stockholder ng Gencorp mula 2013. Gayunman, ayon sa mga rekord ng Securities and Exchange Commission na ipinrisinta sa korte, hindi siya nakalista bilang stockholder, incorporator o director ng kumpanya.

Nabanggit din sa paglilitis na nakakuha ang Gencorp ng dose-dosenang kontrata sa gobyerno, karamihan ay mula sa Davao City.

Samantala, may dalawang account ang CALE88 Food Corp. sa Security Bank na binuksan noong Agosto 2024 at Oktubre 2025 at parehong isinara noong Hulyo 2026. Umabot sa P332,530.95 ang kabuuang balance nito noong 2024 at P38,151.86 noong 2025.

Nitong Lunes, kinumpirma rin ni AMLC Executive Director Ronel Buenaventura na may mga transaksyon ang CALE88 sa mga kumpanyang Chinese na umabot sa P319 milyon. Ernie Reyes/Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here