Home NATIONWIDE PBBM dumating na sa Singapore para sa 5-day working visit

PBBM dumating na sa Singapore para sa 5-day working visit

4
0

MANILA, Philippines – DUMATING na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Singapore, gabi ng Miyerkules, Oktubre 7, para sa working visit kabilang na ang pakikipagpulong kay Singapore Prime Minister at Minister for Finance Lawrence Wong at mga global top executives, at maging ang paglibot sa nuclear research at safety facility.

Lumapag ang eroplanong sinakyan ng Pangulo sa Changi Airport ng alas-11:05 ng gabi.

Sa kanyang departure statement, sinabi ni Pangulong Marcos na ipo-promote niya ang Pilipinas bilang pinakamahalagang investment destination para sa digital technology, artificial intelligence (AI), advanced manufacturing, at iba pang growth sectors sa panahon ng kanyang pagbisita sa Singapore.

Kabilang sa mga aktibidad ng Pangulo ay ang 24th Forbes Global CEO Conference kung saan magsasama-sama ang 450 business at thought leaders mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ipi-presenta ng Pangulo sa nasabing pagpupulong ang mga oportunidad na ang “Philippines offers in digital technology, artificial intelligence (AI), and advanced manufacturing, and highlight opportunities in infrastructure, energy, healthcare, and other sectors.”

At maliban sa paghikayat ng investments, sinabi ng Pangulo na nagtatag ang bansa ng imprastraktura, energy capacity at technical expertise na kailangan para mapanatili ang umuusbong na mga industriya.

Kabilang sa itinerary ng Pangulo ang pagbisita sa Singapore Nuclear Research and Safety Institute para matutunan sa karanasan ng Singapore sa pag-develop ng scientific at technical capabilities sa nuclear technology at kaligtasan.

Sa kabilang dako, makakapulong din ng Pangulo si Singapore Prime Minister at Minister for Finance Lawrence Wong para pag-usapan ang bilateral relations at regional developments.

Samantala, gagampanan naman ng Singapore ang chairship ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa susunod na taon, looking forward naman ang Pangulo na makapalitan ng mga pananaw si Prime Minister Wong ukol sa pagpapanatili at pagsusulong ng regional priorities habang tinatapos ng Pilipinas ang 2026 ASEAN Chairship nito. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here